Hindi naman nagtagal, mayroon ng kumatok sa
pintuan na ito. Siyempre pa, pinagisipan ko muna
kung papapasukin ko yung kumakatok. Baka naman
kasi madumi yung sapatos niya, madumihan niya pa
yung puso ko. O baka naman magnanakaw siya.
Siyempre pinagisipan ko muna. Nung napagisipan ko
na, at pinakita naman niya na mabuti siyang tao,
pinapasok ko na siya. Pero sinigurado ko muna na
nagpunas siya ng sapatos sa doormat. Ang saya
niyang kasama sa loob. Nagkaroon ng kulay ang
buhay ko dahil sa kanya. Pero di ko alam kung
anong nagawa ko at bigla na lang siyang
nagmadaling lumabas ng pintuan. Nakakasawa na daw
sa loob sabi niya. Nasaktan man ako, hinayaan ko
na lng siyang umalis. Pero nagalit ako, pag labas
niya, sabi ko iwan niya lang nakabukas ang pinto.
Sigurado akong may iba pang papasok diyan.
Hindi ako nagkamali, ang daming pumasok sa loob.
Yung iba, nagmadali ding lumabas. Yung iba,
pinilit kong lumabas ng pintuan. Minsan pa nga,
dalawa yung taong nasa loob e. Alam mo yung
parang naglalaro na lang ako. Ang ikinalulungkot
ko lang, yung iba, napakadumi ng sapatos, hindi
man lang nagpupunas sa doormat. Yung iba pa,
binabagsak yung pagsara ng pintuan. Shempre
masakit, at nakakaasar pa dahil unti unting
nasisisra yung pintuan. Nakakatawa, naalala ko,
kaya pala sila nakakalabas ng pintuan e kasi
hindi ko pla ito nilolock. Alam ko na gagawin ko
sa susunod.
Mayroon na namang kumatok. Pinagisipan ko na
naman kung papasukin ko. Saglit ko lang
pinagisipan, kasi baka umalis e. Pinapasok ko na
agad. Nilock ko yung pinto para sigurado. Ang
masakit non, sinira niya yung pintuan para lang
makalabas. Sira na yung pintuan ko. Nagsawa na
ko.
Sa ngayon, naayos ko na yung pinakamamahal kong
pintuan. Pero ngayon, sinigurado ko na na walang
makakapasok. Nilock ko na yung pintuan ko. Wala
na akong tiwala sa mga tao. Madaming nagtangkang
pumasok. Napakaraming kumatok. Pero hindi ko sila
pinapasok. Ayoko na. Natatakot na ko na baka
sirain na naman nila yung pintuan. Natatakot na
baka dumihan na naman nila yung loob. Kung kailan
ko ito ulit bubuksan hindi ko alam. Basta ang
alam ko, sa ngayon ayoko na muna. Ayoko na ma-
inlove.
No comments:
Post a Comment