IF I

Don’t ever say that you’re not important for me

You are my only life

If I could only say I love you

I’ll promise it to do

But I can’t

You just treat me as your ordinary friend

And I don’t want to force you

To say I love you too

How could I show you

That my love for you is true?

Maybe if I kiss you

And say “believe me it is true”…

02 January, 2011

2011 resolution

Hi tambaduders!!! Bagong taon na naman that`s why we have to start anew. hehe. And of course, to make a good beginning of 2011, we have to give you guys who visit my blog a common name–and while scribbling my mind trying to put something quite good for the ear to name you all guys, I decided to call you, my TAMBADUDERS!!! hahaha.

I know the name`s kinda weird and even neurotic for some, but hey, you have to live with it. This is my blog anyway so you have no choice but to choose whether it be a yes or a YES! nyahaha. That`s quite a good start…

So, when we Filipinos celebrate new year, it is common for most of us (perhaps 90% of the total population) that we set our minds for a new beginning. And when most of us say “new”, we mean that we try also to change some things which has been our habit for the past year that we think are no good. So, with this, we try to create our own special resolution list!!! So, in this post, I would like to share to you my beloved tambaduders my new year`s resolution. But before that, please allow me to use Tagalog as the medium of communication because I think that my brain is being drained as I punch every word in this post. Kaya payagan nyo na po ako kasi baka hindi lang dugong galing sa ilong ang dumanak sa aking kwarto kundo galing na mismo sa kaibuturan ng aking pagkatao. hahaha

Ayan, salamat naman sa pag payag na magtagalog ako. hahaha

ang aking bagong taong resolusyon:
1. Bawasan ang mga nakagawian kong bagay-bagay na nagpapatagal sa aking mga trabaho… e.g: youtube,facebook, panonood ng tv shows, at pakikipag usap sa mga walang kwentang tao na walang ginawa kundi sirain ang araw ko. haha. meron ba non??? wala naman ata.. hehe

2. makipag-ugnayan sa mga malalapit na tao sa buhay ko lalo na sa mga ninong at ninang ko na sa pakiramdam ko ay pinagtataguan na ko sa loob ng mahigit sampung taon. Pakiramdam ko lang naman yun. yung mga ninong at ninang ko na nakalimutan na ata ang aking napaka poging pangalan, nais ko pong kumatok sa inyong puso`t isipan at ipahatid sa inyo na ang inyong inaanak sa binyag ay narito pa po`t buhay. Kaya kung ako po ay inyong nakikilala pa oh kung kayo ay nagi-guilty na habang binabasa ang blog post ko na ito, maaari nyo po akong makausap sa numerong 0939-810-5167. tunay na numero ko po yan…

Nais ko lamang pong sabihin na kugn may binabalak po kayong mag text sa akin, pakilagyan po ng pagkakakilanlan ang inyong mga mensahe sa pamamagitan ng pagtype ng NINONG|NINANG <inyong mensahe> at i-send sa numerong nabanggit sa itaas.

3. magkaroon ng mas mataas na grado ngayong semestreng ito. Nais ko pong magkaroon ng mas mataas na grado dahil kamakaraan lamang, aking napagtanto na masyado nang maraming kurba ang aking mga grado dahil sa kadahilanang napakabait at napaka-mahabagin ng aking mga instructor sa pagbibigay sa akin ng rapidong tres na grado. Kaya naman nais kong ibalik ang aking mga grado sa dati dahil masyado nang nagiging mabulaklak ang aking mga salita sa mga gradong binibigay sa akin.

Wag naman sana akong bigyan ng sardinas na grado dahil panigurado, magiging kasing kulay ng sarsa ng sardinas ang luha ko pag nagkataon. haha

4. Dahil hindi po nagkaroon ng katuparan ang isang bagay na inaasam kong magawa ko noong nakaraang taon, nais ko po ulit itong isama bilang parte ng aking bagong taong resolusyon ngayong 2011.

Alam nyo po kasi mga tambaduders, nais ko pong makatayo sa dalawang lugar sa issang panahon. Imposible ba? Para sa akin posible yun. Sana nga naman at magkaroon na ng katuparan ang aking pangarap na ito dahil malapit nang mamuti ang aking mga mata pati na ang kilay at pilik-mata ko ay `di pa ito naisasakatuparan. kaya sa mga tao dyan na nais akong tulungan sa pangarap kong ito, sana naman ay wag kayong mahihiyang lumapit sa akin dahil alam ko naman sa aking puso`t isipan na pare-pareho lang tayong mga walang hiya! hahaha. peace

5. Nais kong matutong mag-saxophone. Eto isa pa to. Kay tagal ko nang minimithi ang bagay na ito. haha. pero bago ko sabihin ang kadahilanan sa pagkagustong matuto sa bagay na to, nais ko munang tanungin kong masyado nang nagiging matalinhaga ang mga bulaklak ng aking bibig sa post na ito upang malaman ko naman ang pulso ng aking mga tambaduders sa pagbabasa dito. Pinaaalala ko lamang po sa inyong lahat na hindi po ako isang wirdo. Kaya kung nais na po ninyo akong patigilin sa aking paglabi ng mga salitang tingin ninyo ay hindi angkop sa post kong ito, malugod ko po itong ititigil upang bigyang ligaya ang bawat isa sa inyo.

like what i have said earlier, (haha. balik sa pag i-ingles eh. wag kayong mag-alala, pag nagsawa ako, tagalogg na ulit yan. baka nga maging ilocano pa eh), I really wanted to learn how to play the guitar. I guess, i just love instruments but the bad side here is that the instruments keep on rejecting me. Man, that hurts. i wish I could have the ability to talk to musical instruments via sound waves to let them know how desperate i am to learn how to play them or if they still don`t want, still have the said ability to torture them and frightn them that if they don`t obey my orders, they would end up as a piece of junk scattered on the streets. hahaha. Desperado talaga.

6. Gusto kong magkaroon ng sariling saxophone. Pano ka nga ba naman matututong mag-saxophone kung ikaw mismong gustong matuto eh walang saxophone. hahaha. Di ba di ba di ba?

7. Gusto kong pigilan ang sarili ko sa paglilingkod sa paaralan dahil feeling ko sumosobra na ako. tama na ang napagiging martyr ko sa ngayon kaya gusto kong huminto muna sa aking napakaraming extra-curricular activities lalong lalo na sa pagsali sa mga organisasyong pinahihintulutan sa paaralan. Napakahirap pala. Ngayon ko lang nalaman. I don`t even have the time to pee. hahaha oopssy!

So, yan lang po muna sigor sa ngayon. salamat po sa pagbasa sa walgn katuturang post na ito. sana po ay i-share ninyo sa facebook ang effortless post kong ito dahil pakiramdam ko ako lang nagbabasa at nagla-like sa sarili kong post sa aking blog. hahaha

Sana pala ginawa ko nang open diary ito kasi kahit i-link ko pa sa facebook, wa-epek pâ rin ang mga efforts ko. hahaha

ngunit  bago ko nga pala tapusin ang post na ito kasabay ng pakikipag-kalas sa kaemoohan kong sarili, gusto kong bigyan ng parangal siDaniel Sy (drum roll naman dyan), best friend ko yan, dahil siya lamang ang nangahas na batiin ako sa bisperas ng bagong taon sa bahay namin gamit ang kanyang tricycle na sa tingin ko`y hirap na hirap dahil sa katabaan at kababuyan ngayon ng katawan niya. hahaha. Salamat dude sa pagpunta sa bahay at pagharap sa dalawang tutang inlababo ata sayo dahil sa pagkahol sayo ng napakatagal. bwahahaha.

gusto ko ring ipa-alam sa isa ko pang best friend na si Joanne Padilla na masama ang loob ko sa iyo dahil hindi mo tinupad ang pangako mo na magpapa-pictorial tayo sa bagong taon. January 02 na wala ka pa. Gusto mo bigyan kita ng kaledaryo para matauhan ka? hahaha

Ayan, maaari ko nang tapusin ang post na ito dahil naibuhos ko na ang aking mga hinanakit at pasasalamat sa mga taong nagpangiti sa akin ngayong bagong taon pati na rin sa unang taong sumira sa kanyang pangako ngayong taon. Hoy Joanne, pag uwi mo dito sa atin sa qc, you owe me an explanation. And that explanation should be accompanied by gifts straight from makati or else… Ah basta.. un na un. hahaha

so, Eto ang unang post ko ngayong taong ito, happy new year sa lahat at sana baguhin nyo na ang napaka gaspang na mga pag-uugali nyo ha???  May liha ako dito, pwede ko kayo bentahan. hahaha. sawai.

I love you all guys!!!

keep rocking my world, because this year, i will crash yours. hahaha

No comments:

Post a Comment